Posts

Showing posts from July, 2025

Bedyetaryan

Image
BEDYETARYAN kaytagal ko nang di nagkakarne nang niyakap maging bedyetaryan noon, ngunit nang magkapandemya at magka-COVID ako talaga payo'y bumalik sa pagkakarne para sa kailangang protina ay, sa prinsipyo'y nais bumalik at sa pagkakarne na'y umalis kumain ng sibuyas, kamatis talbos ng kangkong, kamote, sili sa ganito ako nawiwili sa pagkakarne'y di mapakali minsan, kailangang manindigan nang walang anumang alinlangan para sa malusog na katawan - gregoriovbituinjr. 07.23.2025

Ulan

Image
ULAN anong lakas ng ulan nagbaha na sa daan nagputik ang lansangan si Crising ba'y dahilan tutungo sa palengke upang doon bumili okra, talong, sayote baha, anong diskarte? ah, ako'y paroroon kaysa naman magutom magpunta at magpayong sa ulan di uurong tatahakin ang sigwa magbota pag may baha kaysa naman ngumawa at maghintay tumila - gregoriovbituinjr. 07.19.2025 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/v/1BwvNXACNh/  

Payo't payong mula CHR

Image
PAYO'T PAYONG MULA CHR namigay sa mga dumalo ng payong ang CHR dito sa ulan, agad nagamit ko buti na lang at di bumagyo payong, kapatid, tila sabi ng mga katoto't kakampi sa isyu ng bata, babae obrero, maralita, IP salamat sa payo at payong nang karapatan ay isulong salamat, binahagi'y dunong ang problema ma'y patong-patong may tatak:  "Naglilingkod maging sino ka man" , aba'y kaygaling sana'y tagos sa diwa natin at puso ang gayong pagtingin - gregoriovbituinjr. 07.04.2025