Posts

Showing posts from August, 2025

Pagngiti pala'y isa ring sandata

Image
PAGNGITI PALA'Y ISA RING SANDATA minsan, ngiti na lang ang naiiwan kong sandata upang kaharapin ang buhay at mga problema lalo't yaring puso'y lumuluha at nagdurusa sa pagkawala ng sinta, narito't nag-iisa ngiti'y pakikipagkapwa, tandang nagpapatuloy sa buhay bagamat sa daan kayraming kumunoy nakikipagpatintero sa lansangang makahoy at madawag, nagkalat ang mga dahong naluoy ngiti'y kalasag at armas ng tulad kong makatâ sandata rin ito ng tulad naming mandirigmâ na naritong nakatindig, daanan man ng sigwâ na kasangga sa pagbaka ay milyon-milyong dukhâ oo, ako'y karaniwang taong sandata'y ngiti sa kabila ng trapo't dinastiyang naghahari at nagngingitngit sa sistemang pulos palamuti maunlad daw ngunit kahirapa'y nananatili - gregoriovbituinjr. 08.31.2025

SMARTER na pagpaplano

Image
SMARTER NA PAGPAPLANO Specific  - tiyak ang plano, detalyado Measurable  - nasukat kung kayang matupad Attainable  - kayang abutin ang adhika Realistic  - makatotohanan sa gawa Time-bound  - kayang gawin sa panahong tinakda Evaluate  - pagtatasa ng mga nagawa Reward  - natamong tagumpay ang gantimpala S iguraduhing plano'y tapat sa layunin M agkaisa ang pamunua't myembro natin A ktibidad ay sama-sama nating gawin R eklamo'y sinusuri't agad lulutasin T utok sa detalye't pinag-usapang sadya E balwasyon sa kalagaya'y ginagawa R espeto't makipagkapwa'y di nawawala - gregoriovbituinjr. 08.27.2025 * litrato mula sa google

Soneto sa PANTHER

Image
SONETO SA PANTHER Participation  - lumalahok ang bawat kasapian Accountability  - bawat isa'y may pananagutan Non-discrimination  - walang sinuman ang naiiwan Transparency  - walang tinatago sa masa't samahan Human dignity  - paggalang sa dignidad ng sinuman Empowerment  - pagsakapangyarihan ng mamamayan  Rule of law  - iginagalang ang mga batas ng bayan P agpaplano ng samahan upang kamtin ang layunin A y ginagawa ng seryoso't pananagutan natin N angangarap ng makataong lipunang dapat kamtin T agumpay ng samahan ay lagi nating iisipin H abang hindi pinababayaan ang pamilya natin E dukasyon ng bawat kasapi ay ating planuhin R espeto sa batas at sa bawat isa'y ating gawin - gregoriovbituinjr. 08.27.2025 * ang soneto ay tulang may sukat at tugma, at binubuo ng 14 pantig bawat taludtod * ang PANTHER ay isa sa mga prinsipyo ng karapatang pantao

Meryendang KamSib

Image
MERYENDANG KAMSIB kaysarap ng meryenda lalo't pagod talaga sa maghapong trabaho pawisan na ang noo ang meryenda ko'y simple at di ka magsisisi sibuyas at kamatis na panlaban sa sakit pag kaytaas ng sugar di ka na makaandar naglo-low carb na ngayon sa buhay ko na'y misyon dahil kayraming laban pang dapat paghandaan kayrami pang sulatin ang dapat kong tapusin bawal nang magkasakit ito'y payo at giit magbawas ng asukal upang tayo'y magtagal - gregoriovbituinjr. 08.15.2025 * KamSib - kamatis at sibuyas

Anong pamalit sa kanin?

Image
ANONG PAMALIT SA KANIN? anong magandang kainin na ipampalit sa kanin? sabihin mo nga sa akin baka payo mo'y magaling mataas daw ang sugar ko e, rice-based na bansa tayo kanin ng kanin, totoo mula pa nang bata ako mais ba'y nakabubusog? kamote ba'y pampalusog? tulad ng gulay at itlog? ano ang magandang sahog? anong alternatibo ba? nang mabago ang sistema nang sugar di tumaas pa kung walang kanin, ano na? turan mo, O, kaibigan ang wastong pamalit diyan alin ang pangkalusugan? at ako'y iyong tulungan! - gregoriovbituinjr. 08.04.2025