Posts

Maligayang Pi Day sa lahat!

Image
MALIGAYANG PI DAY SA LAHAT! ‎ ‎sa matematika,  3.14  ang numerong  Pi ‎dahil diyan, ginawang  Pi Day  ang  Marso Katorse ‎mula sa rasyo ng kumperensya ng bilog ang Pi ‎sa diyametro nito, ating suriing mabuti ‎ ‎sukat ng bilog,  three point fourteen  ang kinalabasan ‎di eksakto, tuloy-tuloy at  infinite  ang bilang ‎mahalaga ito sa mahihilig sa sipnayan ‎na magagamit sa pang-araw-araw na kabuhayan kamatayan ni  Karl Marx  at kaarawan ni  Einstein ngayon ay  International Day of Mathematics  din na tema ngayo'y  "Mathematics and Hope" , dinggin natin mga aral ng sipnayan ay ating sariwain sa mga  sipnayanon o mathematician , tunay akong nagpupugay sa inyo! mabuhay! mabuhay! maligayang  Pi Day , maglabas ng pie o tinapay at ipagdiwang ang kahulugan ng  Pi  sa buhay! - gregoriovbituinjr. 03.14.2026 * litrato mula sa google

Tulawit

Image
TULAWIT ‎ ‎itutulâ ko muna ‎saka ko aawitin ‎mga isyu ng masa ‎yaong gigitarahin ‎ ‎ang mga kaapihang ‎dinaranas ng dukhâ ‎bibigyang kasagutan ‎ng nagkaisang madlâ ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.13.2026 (Friday the 13th)

Pabalat ng aklat kong dinisenyo ni misis

Image
PABALAT NG AKLAT KONG DINISENYO NI MISIS ‎ ‎kung ikumpara sa tatlo kong huling libreto ‎kayganda ng disenyo ni misis sa aklat ko ‎tingni ang pabalat ng pangkalikasang libro ‎sadyang kakaiba kumpara sa disenyo ko ‎ ‎sayang, walâ na siya, wala na yaring sinta ‎sana, iba kong libreto'y dinisenyo niya ‎pagkat talagang ubos nang ito'y ibinenta ‎sa mga makakalikasang grupo at masa ‎ ‎kayâ sa daigdigang araw ng kalikasan ‎sa Abril Bente Dos kada taon, Earth Day iyan ‎dapat muling ilimbag ang libro kong naturan ‎at bigyan ng kopya ang iba't ibang aklatan ‎ ‎nais kong ang kanyang disenyo'y maging imortal ‎at siya'y maalala sa panahong matagal ‎salamat sa kaygandang disenyo, aking mahal ‎pagka disenyo mong likhâ sa akin ay banal ‎ ‎- gregoriovbituinjr. 03.11.2026 (9th death monthsary ni misis)

Ikasampu, ika-10

Image
‎IKASAMPU, IKA-10 ‎ ‎walang gitling ang ikasampu ‎iyan ang wasto pag nagdugtong ‎ang panlapi't salitang ugat ‎balarila'y alam mo dapat ‎ ‎may gitling na pag ika-10 ‎iyan ang wastong pagdurugtong ‎ng panlapi at ng numero ‎balarila'y batid mo dapat ‎ ‎ikasampu ngayon ng Marso ‎ika-10 ngayon ng Marso ‎pansinin mo ang gamit nito ‎balarila'y tinurò ito ‎ ‎meron ka sanang natutunan ‎sa abang makatâ ng bayan ‎túrong ito'y pakatandaan ‎nang wasto'y gamitin ng tanan ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.10.2026 ‎ ‎*litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon

Pag nanalo pa iyang bastos sa halalan

Image
PAG NANALO PA IYANG BASTOS SA HALALAN pag nanalo pa iyang bastos sa halalan ay baka bulag na ang kanyang mamamayan hinayaang bastusin ang kababaihan ayuda'y pikitmatang tatanggapin na lang mabuti na lang,  Anne Curtis , palaban ka rin pagkat di mo hahayaang kayo'y bastusin ng trapong sa babae'y kaybaba ng tingin trapong asal-manyak kung ating iisipin maraming salamat, Anne, at nanindigan ka laban sa mambabatas kuno, bastos pala laban sa isang mapanirang kongresista laban sa pulitikong dapat ibasura larawan ng ating ina bawat babae dapat respetuhin, mayaman man o pobre ibagsak sa botohan ang trapong salbahe trapong ilampaso anuman ang mangyari - gregoriovbituinjr. 03.08.2026 (International Women's Day) * ulat mula sa pahayagang Bulgar, 03.08.2026

Dalawang sine hinggil sa Philippine-American War

Image
DALAWANG SINE HINGGIL SA PHILIPPINE-AMERICAN WAR Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. Kahapon, Marso 6, 2026, ay napanood ko ang dalawang dokumentaryo / pelikula hinggil sa  Digmaang Pilipino-Amerikano , lalo na ang  Bud Dajo massacre . Talagang inabangan ko ito. Ang dalawang ito'y ang  Memoirs of a Forgotten War , at ang  Cinemartyrs . Ang direktor ay si  Sari Dalena . Nabanggit na  ika-120 anibersaryo ng Bud Dajo massacre  ng araw na iyon. Mula sa isang presscon na pinamagatang  "Defending the Defenders"  na hinggil sa karapatang pantao, ay agad kong hinabol ang nasabing historical dokyu. Alas-kwatro ang simulâ kayâ alas-tres pa lang ay umalis na ako sa 1-4pm na presscon. Marahil, naisip ng ilang kasama, bakit kaya ako nagmamadaling umalis? Tantiya ko kasi, kahit malapit lang, ay baka maleyt ako dahil sa trapik. Dumating ako sa Cine Adarna ng ika-4:10 ng hapon. Naabutan ko pa ang pamagat na War. Di na ako dyuminggel at naghan...

Plakard na may baybayin - tanaga-baybayin

Image
plakard itong ginawâ sa pagkilos mamayâ plakard na may baybayin ay itaguyod natin - gbj/03.06.2026 tanaga-baybayin