MAGING BAYANI KA SA PANAHONG ITO maging bayani ka / sa panahong ito laban sa korapsyon / ng mga dorobo bahâ sa probinsya't / lungsod nating ito pagkat ibinulsa / mismo nila'y pondo ng bayan, trapo ngâ / ang mga kawatan na 'naglilingkod' daw / sa pamahalaan aba'y senador pa't / konggresista iyan at mga kontraktor / ang kasabwat naman masa'y niloloko / nitong mga hayok sa salapi, masa'y / di dapat malugmok subalit di sapat / ang sanlibong suntok sa mga nilamon / ng sistemang bulok tuligsain natin / lahat ng kurakot at singilin natin / ang dapat managot ipakulong natin / ang lahat ng sangkot at tiyaking sila'y / di makalulusot sa panahong ito / ay maging bayani unahin ang bayan, / at di ang sarili singilin ang trapong / kunwari'y nagsilbi panagutin natin / silang tuso't imbi - gregoriovbituinjr. 10.12.2025 * litrato kuha sa Foro de Intramuros, Oktubre 11, 2025, sa aktibidad ng grupong Dakila
TUMBONG nais nang lumabas / ng tae sa puwet iri na ng iri / nang paulit-ulit sana'y dudukutin / ko na iyong pilit buti't nalunasan, / nawalâ ang sakit ininom ko agad / ang nakahandang dyus galing ref, malamig, / guminhawang lubos una, isang pitsel / nitong malunggay dyus sunod ay bawang dyus / at ang turmeric dyus at maya-maya lang, / agad naglabasan yaong nasa puwet, / anong kainaman guminhawa agad / itong pakiramdam gayong sa ta-kubets, / isang oras naman ang mga herbal dyus / ay kaylaking tulong at di na masakit / itong aking tumbong salamat, salamat / at ito'y humantong sa damang ginhawa, / búhay ko'y sumulong - gregoriovbituinjr. 04.13.2026
ALTANGHAP (ALmusal, TANGhalian, HAPunan) pritong isda, talbos ng kamote okra, bawang, sibuyas, kamatis pagkain ng maralita'y simple upang iwing bituka'y luminis sa katawan nati'y pampalusog nang makaiwas sa karamdaman puso't diwa man ay niyuyugyog ng problema ay makakayanan iwas-karne na'y patakaran ko hangga't kaya, pagkain ng prutas ay isa pang kaygandang totoo pagkat iinumin mo ang katas aba'y oo, simpleng pamumuhay at puspusan sa pakikibaka dapat tayo'y may lakas na taglay lalo na't nagsisilbi sa masa - gregoriovbituinjr. 10.12.2025
Comments
Post a Comment