Maligayang Pi Day sa lahat!
MALIGAYANG PI DAY SA LAHAT! sa matematika, 3.14 ang numerong Pi dahil diyan, ginawang Pi Day ang Marso Katorse mula sa rasyo ng kumperensya ng bilog ang Pi sa diyametro nito, ating suriing mabuti sukat ng bilog, three point fourteen ang kinalabasan di eksakto, tuloy-tuloy at infinite ang bilang mahalaga ito sa mahihilig sa sipnayan na magagamit sa pang-araw-araw na kabuhayan kamatayan ni Karl Marx at kaarawan ni Einstein ngayon ay International Day of Mathematics din na tema ngayo'y "Mathematics and Hope" , dinggin natin mga aral ng sipnayan ay ating sariwain sa mga sipnayanon o mathematician , tunay akong nagpupugay sa inyo! mabuhay! mabuhay! maligayang Pi Day , maglabas ng pie o tinapay at ipagdiwang ang kahulugan ng Pi sa buhay! - gregoriovbituinjr. 03.14.2026 * litrato mula sa google